📜 Layaway Agreement
Cha Jewels Co., Ltd. ("Seller") at Customer ("Buyer")
Mangyaring basahin at unawain ang mga sumusunod na Tuntunin at Kondisyon. Ang pagpapatuloy ng order at pagbabayad ay nangangahulugang tinatanggap at sumasang-ayon ang Buyer sa lahat ng nakasaad dito.
Nature ng Cha Jewels Layaway Investment System
Ang Cha Jewels Layaway Investment System ay isang privileged installment program na idinisenyo upang mabigyan ang mga serious customers, investors, at collectors ng structured na paraan upang makakuha ng Japan-made gold jewelry, diamonds, at branded products sa pamamagitan ng flexible payment arrangements (3–6 buwan, 0% interest). Ang pagsali o paggamit sa programang ito ay isang privilege na ibinibigay ng Cha Jewels at hindi isang automatic right.
Ang Layaway Investment System ay para lamang sa mga committed at responsible buyers. Hindi ito reservation service o pansamantalang paghawak ng item nang walang obligasyon.
Si Cha Jewels ay may karapatan na tanggihan, limitahan, o bawiin ang Layaway privileges sa sinumang Buyer na may history ng paulit-ulit na hindi pagsunod sa payment obligations, expired invoices, ghosting matapos mag-mine, o anumang paglabag sa napagkasunduang terms.
Article I — Downpayment (DP)
Ang Buyer ay kinakailangang magbigay ng tatlumpung porsyento (30%) ng kabuuang halaga ng order (Total Invoice Amount) bilang Downpayment.
- Ang Downpayment ay dapat bayaran sa loob ng dalawa (2) hanggang tatlong (3) araw mula sa petsa ng pag-order para sa mga Old Customer; at sa loob ng dalawampu't apat (24) na oras lamang para sa mga New Customer.
- Ang Downpayment ay hindi refundable sa anumang kadahilanan ng pagkansela na mula sa Buyer.
Article II — Installment Schedule at Obligasyon ng Buyer
- Pagkatapos ng pagbabayad ng Downpayment, magbibigay si Cha Jewels ng opisyal na installment schedule (monthly) para sa kabuuang balanse.
- Responsibilidad ng Buyer na sundin ang schedule ng bayad. Ang hindi pagsunod ay magreresulta sa multa ayon sa nakasaad sa Article III.
- Ang Buyer ay may obligasyong i-monitor ang sariling payment schedule at makipag-ugnayan kay Cha Jewels para sa anumang concern.
- Ang paulit-ulit na hindi pagsunod sa installment schedule ay maaaring magresulta sa permanenteng pagkawala ng Layaway privilege.
Article III — Penalty at Grace Period
- Ang late payment ay may kaukulang penalty na JPY 1,000 o PHP 500 bawat due date na hindi nasunod.
- Sa unang beses na magkaroon ng late payment, may grace period na isang (1) linggo bago tuluyang ipataw ang penalty.
- Sa mga susunod na buwan, kung may naunang penalty na hindi nabayaran, automatic na madadagdag ang karagdagang penalty na JPY 1,000 o PHP 500 sa bawat due date.
- Ang mga sumusunod na layaway duration ay dapat sundin:
- 3 Months Layaway — kailangang mabayaran sa loob ng tatlong (3) buwan.
- 6 Months Layaway — kailangang mabayaran sa loob ng tatlo (3) hanggang anim (6) na buwan.
- May dagdag na multa na JPY 1,000 o PHP 500 kung hindi makakapagbayad sa eksaktong due date kada dalawang (2) linggo.
Article IV — Default at Forfeiture
- Kapag may tatlong (3) sunod-sunod na buwan na hindi nakapagbayad, magbibigay si Cha Jewels ng Final Settlement Date.
- Kapag hindi pa rin nakabayad sa itinakdang petsa, lahat ng naging bayad (Downpayment at subsequent payments) ay ma-fo-forfeit at ang item ay ibabalik sa pagmamay-ari ni Cha Jewels.
- Si Cha Jewels ay hindi mananagot sa anumang refund o reimbursement para sa forfeited payments.
Article V — Revocation of Privilege, Cancellation & Refund Policy
- Kung ang Buyer ay kusang magkakansela ng order, ang Downpayment ay hindi refundable.
- Ang mga nabayadan na buwanang bayad ay maaari ding maging non-refundable kung sakaling hindi natapos ang buong layaway schedule.
- Para sa detalyadong patakaran, sumangguni sa hiwalay na Cancellation and Refund Policy ni Cha Jewels.
- Kung ang Buyer ay may history ng paulit-ulit na expired invoices, hindi pagtupad sa payment agreements, o hindi pagresponse matapos mag-mine ng item, si Cha Jewels ay may karapatan na:
- Hindi iproseso ang kasalukuyang order;
- Kanselahin ang aktibong layaway agreements;
- Hindi tumanggap ng susunod na Layaway transactions; at
- Limitahan o tuluyang alisin ang installment privilege.
- Ang desisyon ni Cha Jewels ukol sa pag-revoke ng Layaway privilege ay final at hindi maaaring iapela.
Article VI — Delivery of Goods
- Ang layaway order ay ipapadala lamang pagkatapos ng full payment.
- Si Cha Jewels ay walang obligasyon na mag-ship o magbigay ng produkto hangga't hindi natatapos ang lahat ng obligasyon sa pagbabayad ng Buyer.
Article VII — Binding Effect
- Ang pag-order at pagbabayad ng Downpayment ay nagsisilbing pormal na pagsang-ayon ng Buyer sa lahat ng nakasaad na Tuntunin at Kondisyon, kahit walang pirma sa digital na dokumento.
- Kung hindi sumasang-ayon ang Buyer, kinakailangang iwasan ang pag-order at paggamit ng Layaway Service ni Cha Jewels.
Article VIII — Pagbabago ng Terms and Conditions (Disclaimer)
- Si Cha Jewels Co., Ltd. ay may karapatang baguhin o i-update ang Terms and Conditions anumang oras nang hindi nagbibigay ng paunang abiso.
- Ang anumang pagbabago ay magkakaroon ng bisa sa sandaling mai-publish sa aming opisyal na platform.
- Ang patuloy na paggamit ng aming serbisyo ay nangangahulugang pagsang-ayon sa mga binagong alituntunin.
📝 Paalala:
- 6 Months Layaway Promo: Minimum na halaga na ¥25,000 sa isang (1) invoice upang makagamit ng 6-Months Layaway.
- Kung hindi ka nag-sign ngunit nagpatuloy ka sa pag-order at nagbayad, ito ay konklusibong ebidensya na sumasang-ayon ka sa kasunduang ito.